Wednesday, July 9, 2008

Another One

another experience in Manila. Particularly in Quiapo.

Just happened kanina. Paguwi ko.
Today was really a bad day for me. First, because i failed my test in Labor Standards (badtrip tlga). Second is that my bag was almost snatched in Quiapo, sa may tulay papuntang Lawton to be exact. Bad trip. This is their "modus operandi:"

1.) Sasakay sila sa may tapat ng Quiapo. Dun sa pinipilahan ng mga jeep para makapuno sila.
2.) tapos, paglagpas sa sakayan, may sasakay pang mga apat o tatlong kalalakihan sa jeep, nakasampa na lang yung mga humabol.
3.) mabagal ang pagtagpo ng jeep, hanggang sa magsesenyasan silang mga holdaper(spell?) sa loob ng jeep at haharasin kaming mga nakasakay doon.
4.) habang nanghaharass, ipapakita ang kanilang kutsilyo at pilit kang hahanapan ng cellphone.
5.) pagsinabi mong wala kang cellphone, kukunin lahat ng gamit mo.
6.) tsaka senyas sa driver ng jeep at takbo.

Nakuhanan yung iba sa nakasakay sa jeep (apat lang kami noon). Ako, kasalukuyang nakikipaghilaan sa bag ko, napigtas yung handle ng bag ko pati yung turtle keychain-purse ko (badtrip, pati yung turtle na pinagkahirapan kong kunin nakuha). Nakuha pa rin yung bag ko dahil dalawa sila laban sakin. Nung tumakbo sila, hinabol ko sila. Sakto. Halos kasabay ko silang tumatakbo sa tulay ng ilog sa may Quiapo. Biglang binagsak ng holdaper n kasabay kong tumatakbo yung bag ko. Siguro dahil natakot na rin siya dahil madami ng nakakakita sa habulan namin at madami na ring nakahinto jeep at may mga driver ng jeep na may hawak n isang mahabng bakal (malamang para sakanila, holdaper yun). Nung binagsak niya yung bag ko, hinahabol ko pa rin sila, medyo nagpanic na siguro yung holdaper at sinigawan ako: "Ayun na yung bag mo, kunin mo na!!" nakaturo sa bag ko sabay takbo.

Ta**ina! nakakahiya, hindi ko rin akalain na gagawin kong habulin sila. Nakit ko ng may hawak na kutsilyo pero hinabol ko pa rin. Sinunod ko lang yung instinct na kailangan ko kunin ulit yung bag ko, hindi ako papayag na mautakan nila ko. Yun. shet tlga. Buti na lang may mga jeep na na nakatigil, kung wala yun, wala n kong bag.. at hinahabol ko pa rin siguro sila sa ilalim ng tulay ng Quiapo non. Hindi n ko pinagbayad ng sinakyan kong jeep non.

Shet yung jeep n sinakyan ko nung una dahil kasabwat siya sa pagnanakaw ng mga kurimaw na yun eh! Fu*k talaga, dumadaan pa naman san Dapitan yung jeep n yun, hindi ko na nga lang maalala yung itsura o yung plate number nung jeep na yun. pero shet, naaalala ko pa yung mga mukha ng mga kurimaw halimaw n nanghold-up sa jeep n yun.

Pagbaba ko ng Lawton, umiiyak ako. Buti na lang madilim kaya hindi halata. Hindi talaga ko makapaniwala sa nangyari sakin. shet tlga. Simula bukas sa España na ko sasakay at FX na. Para kahit papano mas mababa yung chance na may masamang mangyare.

Paguwi ko, nagsumbong ako kila Mommy tapos narealize ko, kung nagkataon.. paano na? I still have a lot of plans for me and for my fam, still have a lot of dreams. Shet. Naisip ko, pagkaganun.. wag na kong magtapang tapangan.. baka hindi ko mapanindigan.

No comments: